Allen Dizon, may K manalong Best Actor sa MMFF

Aminado si Allen Dizon na nakaramdam siya ng lungkot nang hindi masungkit ang Best Actor sa katatapos lang na Cairo International Film Festival. Ganunpaman, marami sa mga nakapanood na ng kanilang pelikula ni Judy Ann Santos ang humanga sa ipinamalas niyang pagganap sa 2019 Metro Manila Film Festival.

Sabi-sabi’y puwede niyang matalo sa Gabi ng Parangal ng MMFF si Aga Muhlach na magaling daw sa pelikulang Miracle in Cell No. 7 ng Viva Films. In fairness kay Allen, kung paramihan ng acting awards ay kabog niya si Aga. More than 30 na ang mga award ng aktor bilang Best Actor dito at sa ibang bansa.

Kaya, kaabang-abang ang salpukan nilang dalawa gaya rin ng labanan nina Judy Ann ng pelikulang Mindanao at Iza Calzado ng Culion. Sino kaya ang magwawagi? Abangan na lang natin.

Anyway, naging  mabiyaya ang 2019 kay Allen Dizon. Sa unang salvo ng Enero nagkaroon ng local screening ang pelikulang “Alpha The Right to kill” na pinagbibidahan niya sa direksyon ni Brillante Mendoza. Nagkaroon ng mainstream screening sa France at sa kasalukuyan sa Japan ang Alpha.

 Ang pelikula niyang “PersonS of Interest” na dinirek ni Ralston Jover ay naging official selection sa A-List na “Shanghai International Film Festival” kung saan inimbitahan at dumalo si Allen kasama ang kanyang pamilya.

At sa pelikulang  “Mindanao” nga  ni Brillante Mendoza, kung saan bida sila ni Judy Ann Santos, ay nag red carpet premiere sila ng young superstar sa world premiere nito sa Busan Film Festival sa Korea bukod pa nga sa Cairo International Film Festival sa Egypt.

Umaasa si Allen na tatangkilikin ang  ang pelikula nila ni Juday ng mga tao lalo pa’t nakapagbigay na ito ng karangalan sa ating bansa. Isa pa, isa ito sa mga ipinagmamalaking pelikula ng aktor na pinangangalandakan niyang maganda at kapupulutan ng aral.

More on this topic

Comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Advertisment

Popular stories

Parents nina Matteo at Sarah, muntik nang magkasakitan; Alden dinalaw ang batang maysakit

Napanood ko yung interview ni Raffy Tulfo kay Jerry Tamara, ang bodyguard ni Sarah na halos three...

Carlo Aquino para sa Spruce & Dash ng Beautéderm

NAKIKI-ISA si Carlo Aquino sa kanyang kapwa male Beautéderm ambassadors sa opisyal na mainstream launch ng bagong...

Angel, sasabak na rin sa paghohost

Ipapalabas na mamayang gabi, 6:15, sa Kapamilya channel ang pilot episode ng “Iba Yan!” hosted by Angel...