Ronnie Liang, piloto na

Mabuti naman at naging aktibo na naman si Ronnie Liang sa kaniyang singing career. Nawala pansamantala ang magaling na singer dahil sa pag-aasikaso ng kaniyang mga negosyo at pag-aaral.

Ngayon nga ay visible na siya kung saan may album siyang nai-release na at katatapos lang ng kaniyang matagumpay na concert sa Music Museum na pinamagatang Love x Romance. Punung-puno ang venue at si Sarah Geronimo ang nagsilbing special guest ng male singer.

Of course, kilig to the max ang mga fans niya na nanood ng kaniyang concert. Bukod sa duet nila ni Sarah ay most applauded siyempre nang kantahin niya ang mega hit niyang kanya na “Ngiti”. Sana magtuluy-tuloy ang ganda ng kaniyang career.

Bukod pala sa pagiging abala sa kaniyang pagkanta ay isa nang piloto si Ronnie na kumuha ng flying course sa Strikeview Aviation Training Center. Maganda ito at kung sakaling iwan niya ang pagkanta ay may mapupuntahan siya. Sana tularan ng ibang singer at kabataan ang binata na ginawa ring prayoridad ang pag-aaral at pagne-negosyo. Malayo na nga ang narating ng dating Pinoy Dream Academy scholar.

**


Hanep talaga kung magperform ang X Factor UK na si Maria Larocco. Minamani lang niya ang mga matataas na tono at may fire siyang magperform. Dalawang beses na namin siyang napanood sa enteblado. Una sa kaniyang album launching at pangalawasa presscon ng Bida Man na Jiro Custodio.

Sana mabigyan siya ng pagkakataon sa music industry sa atin na sa totoo lang ay walang binatbat sa kaniya ang ibang singers dito na kaya niyang ilampaso pagdating sa pagalingan sa pagkanta.

Bata pa lamang ay mahusay na siyang kumanta. Una siyang napanood sa Voice Kids sa Kapamilya Network. Pero mas nahasa siya nang husto sa pag-stay niya sa London at pag-perform sa iba’t-ibang music venues doon.

Pero dahil mahal niya ang Pilipinas ay gusto pa rin niyang ituloy ang karera niya dito at makipagsapalaran. Sa katunayan ay nasa ibat-ibang digital platform ang kaniyang self titled album na Maria na naglalaman ng magagandang kanta na ang iba ay siya ang sumulat.

More on this topic

Comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Advertisment

Popular stories

Debut album ni Ianna dela Torre, inilabas na

Masayang-masaya si Ianna dela Torre nang mainterbyu namin pagkatapos ng launching ng kanyang self titled album under...

Gladys Reyes, patok ang food business dahil sa masasarap na pagkain

Maabilidad talaga ang actress-tv host at businesswoman na si Gladys Reyes- Sommereux. Ngayong naka-quarantine pa rin ang...

Ivana, Tony, at Donny pumirma ng kontrata sa ABS-CBN

Opisyal nang Kapamilya ang tatlo sa mga kilalang pangalan sa showbiz industry: Ivana Alawi, Tony Labrusca, at...