Pelikula nina Coco, inaabangan na; Graded B sa CEB

Graded B ng CEB o Cinema Evaluation Board ang nag-iisang action-comedy family movie sa MMFF2019 na “3Pol Trobol Huli Ka Balbon”.  Ibig sabihin, hindi ito basurang pelikula gaya ng iba na basta makagawa at makapagpatawa lang. Ipapalabas na ito sa December 25 sa mga sinehan nationwide na pinagbibidahan ng Hari ng Telebisyon na si Coco Martin.

Sabi nga ni Coco sa nakaraang presscon ng pelikula ay itinodo na niya ang kaniyang kaalaman at kakayanan bilang direktor at writer ng pelikula. Mabusisi at talaga namang pinaghandaan niya ang bawat detalye ng pelikula. Hinding-hindi raw magsisisi ang makakapanood nito.

Sa totoo lang, sobrang nirerekomenda namin na panoorin ito kesa sa ibang comedy film na paulit-ulit na lang ang makikita. Dito kasi sa pelikula ng aktor ay sinigurado niya na bagong putahe ang ihahain niya sa manonood. Trailer palang ng movie ay kaabang-abang na at dapat mo talagang panoorin.

Bukod kay Coco, isa pa sa mga dahilan kung bakit dapat panoorin ang pelikula ay dahil kasama rin sina Ai-Ai delas Alas at Jennylyn Mercado. Marami nga ang nagsasabi na winner ang kombinasyong ito. Pare-pareho nang subok sa takilya ang tatlong ito kaya naman hinuhulaan na ang 3Pol Trobol ay isa sa mga pipilahan sa December 25.

More on this topic

Comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Advertisment

Popular stories

Beautéderm advocates natural beauty with exciting new products

BEAUTéDERM Corporation launches two new revolutionary products – Beauté L’ Tous and Beauté L’ Cheveux – as...

Rico Blanco Live! on YouTube

RELIVE Rico Blanco’s greatest hits as Warner Music Philippines presents a compilation of his greatest live performances...

Lorna Tolentino, nag-renew ng kontrata bilang Beautéderm endorser

Opisyal na ni-renew ng Beautéderm Corporation ang iconic actress at grand slam queen na si Lorna Tolentino...