Maine, paborito ni Vic

Pangatlong Metro Manila Film Festival movie nang magkasama bilang lead stars nina Bossing Vic Sotto at Maine Mendoza sa Mission Unstapabol: The Don Identity ngayong 2019. Nagkasama na sila sa My Bebe Love: #KiligPaMore (2015) at Jack Em Popoy: The Puliscredibles (2018).

Natanong tuloy si Bossing Vic kung wala bang ibang movie company na kumukuha kay Maine tuwing MMFF o sadyang ayaw niya lang pakawalan ang aktres?

“Ay, hindi, may kontrata na kaming dalawa,” sambit ni Bossing.

Singit naman ni Maine, “Forever na!”

Natatawang pagpapatuloy ni Bossing, “Forlife na kami, forever!”

So, exclusive na si Maine sa kanya?

 “Hindi naman. Marami siyang ibang offers. Pero ako pag mayroon akong konsepto na bagay sa kanya, naiiba doon sa mga dati niyang ginawa, e talagang tatawagan ko para makasama si Maine. Ang maganda naman dito sa pelikulang ito, itong Mission Unstapabol e ibang Maine Mendoza ang kanilang mapapanood,” ani Bossing.

Ano naman ang reaksyon ni Maine na palagi siyang kinukuha ni Bossing sa mga pelikula lalo na sa MMFF?

 “E kasi nga may kontrata po kami, ten-year contract,” sabay tawa ni Maine. “Siyempre masaya kasi lagi niya pa rin akong pinipili, lagi ko siyang nakakasama. Ako naman thankful ako sa lahat ng projects na ibinibigay niya sa akin kasi may opportunity ako to work with him aside sa Eat Bulaga at saka sa Daddy’s Gurl. So, thankful ako na ako pa rin!”

Paano kung may ibang filmfest movie at production na mag-offer sa kanya kasabay ng movie with Vic, si Bossing pa rin ba ang pipiliin niya?

 “Siyempre, solid Bossing tayo, solid Dabarkads!” pagdidiin ni Maine.

Kasama rin sa cast ng Mission Unstapabol sina Jake Cuenca, Pokwang, Jose Manalo, Wally Bayola, Jelson Bay, Tonton Gutierrez, Max Collins, Lani Mercado, Clint Bondad, Pekto, Dino Pastrano, at Sarah Lahbati.

Produced by APT Entertainment and MZet Productions at sa direksyon ni Mike Tuviera, ang Mission Unstapabol: The Don Identity ay mapapanood sa mga sinehan nationwide simula sa Pasko, December 25, bilang bahagi ng 2019 Metro Manila Film Festival.

More on this topic

Comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Advertisment

Popular stories

Ice, binuweltahan ang kumukuwestiyon sa kanya at sa FDCP

Umalma at pumatol si Ice Seguerra sa pangunguwestiyon sa kanya at sa FDCP ng ilang netizens. Katatapos...

Max Collins, kinakabahan sa panganganak

Kahit halos magta-tatlong buwan na magmula ng huling mapanood ang top-rating GMA Afternoon Prime series na Prima...

Ritz, Myrtle, Edu bibida sa SAF 44 movie

Susubukin ni Atty. Ferdinand Topacio ang mag-produce ng pelikula sa pamamagitan ng kanyang Borracho Films. Nakabuo na...