Paloma ni Coco Martin kinaaliwan sa 3Pol Trobol

Humahataw ngayon sa takilya ang 3Pol Trobol Huli Ka Balbon, na entry sa 2019 Metro Manila Film Festival nina Coco Martin, Ai Ai delas Alas at Jennylyn Mercado. Maraming nagandahan at naaliw kay Paloma, ang nangangabog na character ni Coco sa movie. Agaw-pansin din daw ang kaseksihan at pwet ni Paloma sa isang eksena.

Ayon nga kay @ronilcarullaa, “The Best Talaga Ung 3polTrobol Subrang sakit ng tiyan ko kakatawa HAHA. Sa totoo lang Ang ganda At Ang Kintab ng Pwet ni Paloma. Talo niya pa ung mga babae. ACTION COMEDY ROMANCE. Kinilig din ako kay Trina at Pol. 5 STAR”

Sabi pa ni @ccyypher, “just watched 3pol trobol. the movie is amazing and my parents (they don’t like filipino movies) also loved it! paloma is so beautiful and I’m in love wu”

May bumati rin sa magaling na pagdidirek ni Coco, na gamit ang tunay niyang pangalan na Rodel Nacianceno. “Naman!! Congratulations direk Rodel napakagaling pasensiya na sa katabi ko dahil sa tuwa at gigil. Grabe yung Coco Martin talaga! hats off! Sakit tiyan ko at panga sa kakatawa. Sugod na mga sissy,” ani @cy_fourteenzero.

Sa mahal ng presyo ng ticket sa sinehan ngayon, sulit na sulit daw sa 3Pol Trobol. “Must watch sobrang Ganda ng #3POLTROBOLNowShowing Sulit Ang bayad sa Sinehan,” sabi ni @PalmaJellie.

Produced by CCM Film Production, ang 3Pol Trobol Huli Ka Balbon ay showing pa rin sa mga sinehan nationwide.

More on this topic

Comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Advertisment

Popular stories

Sanya, bilib sa pagiging professional ni Nora

Masaya si Sanya lopez dahil napabilang na ang kanilang pelikulang "Isa Pang Bahaghari" sa 1st Summer Metro...

Paloma ni Coco Martin kinaaliwan sa 3Pol Trobol

Humahataw ngayon sa takilya ang 3Pol Trobol Huli Ka Balbon, na entry sa 2019 Metro Manila Film...

Pauline Mendoza, bida na sa forthcoming teleserye ng GMA-7

Labis ang ang kagalakan at pasasalamat ng Kapuso actress na si Pauline Mendoza dahil finally ay dumating...