Joaquin Garcia, pinasalamatan si Kuya Germs

UNDERRATED. ‘Yan ang mailalarawan sa mang-aawit na si Joaquin Garcia. Na ilang panahon na rin namang umalagwa sa larangan ng pagkanta pero hindi kinakasihan ng magagandang pagkakataon para lalo pang mapansin sa kanyang “craft”.

At dumating ang pagkilalang matagal ng inasam. Hindi isa lang. Dalawa pa. Kaya ang naisip agad niyang pasalamatan ay ang isang taong malaki rin ang naging tiwala sa kanyang kakayahan.

Ibinahagi ni Joaquin ang kanyang pasasalamat sa isang taong  hindi na mawawala sa puso niya. Si Kuya Germs o German Moreno.

“Dear KUYA GERMAN “GERMS” MORENO. I wanted to write to thank you for all of the support and mentorship you have shown me kuya “Germs” since day one…I can honestly say that I would not be even close to where I am today without the encouragement, advice, and support that you’ve given me especially my “Thats” days.

“You stuck up for me, helped me with my projects, offered life advice, and took me to countless coffees and lunches even watching my shows Up to the smallest one. You have been incredibly generous with your time and energy, with matching crying on shoulders on the side, two things that can never be repaid, and I know you never expect me to.

“Thank you for believing in me when I didn’t believe in myself, for being honest with me, for showing me the ins and outs of this business. Not only have you shown me how to be better in my career, but you have also modeled how to be a more effective and loving person. You are an inspiration to me and I hope to affect others in my life as you have affected me.

“Thank you for all that you have done. This is one of your dreams for me! And now, our long Journey is about to start. So grateful that i have witness how loving and Caring you are… i love you kuya “Germs”.

Hindi lang siya kinilala as People’s Choice award bilang Male Pop Artist of the year kundi sa pag-revive niya ng awit ng idol niyang si Ric Segreto, ang “Don’t Know What To Do, Don’t Know What To Say ” mula sa 11th PMPC Star Awards for Music.

For 2020, marami na ang nakalatag na plano sa singing career ni Joaquin. At sa sandali nga raw na umokay na ang lahat eh, kaagad niya itong ipaaalam sa pamamagitan ng pitak na ito.

Pwedeng dito muna. Pwede rin namang sa ibang bansa.

*

Image result for janah zaplan"

ISA pang nabiyayaan ng parangal sa PMPC Star Awards for Music ay ang talentado’ng umaasam na kilalanin din sa larangan ng musika ay si Janah Zaplan bilang Female Pop Artist of the Year. Ilang buwan na lang at matatapos na si Janah sa high school.

Magkaganoon pa man, hindi nito pinababayaan ang kanyang pag-aaral pati na ang extra-curricular activities niya sa paaralan niya. Kaya basta may kinalaman sa pag-aaral talagang no! no! si Janah sa mga paglabas-labas o anupamang bagay na may kinalaman sa kanyang studies.

Kaya isang hapon, ang Daddy nito ang nakasama namin over dinner and coffee na siya na ring nagkwento sa mga aktibidades ng kanyang dalaga.

“Wala rin naman kasi si Mommy at nagliwaliw sa Europe kasama ang mga amiga niya. Kaya, ako na lang. Hindi talaga mahahatak si Janah kung meron siyang mga kailangang tapusin para sa school. Minsan kasi, nasisi ako nung medyo bumaba ang grade niya,” pahayag ng kaniyang na si Boyet Zaplan.

“Kaya, kahit may mga plano ang Star Music sa mga susunod na songs na gagawin niya, inuuna pa rin muna namin ang schooling niya. Na gusto naman ni Janah. We’re getting there. Ang  importante naman eh, wala siyang pagsisihan sa mga darating na panahon. This Valentine’s Day, hopefully may single siya na ma-release.”

Very supportive ang parents ni Janah sa kanya kaya alam nila na paunti-unti, maaabot at makakamtan din at makikilala ng lubos ng mga tao ang boses ni Janah.

More on this topic

Comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Advertisment

Popular stories

Nora, Mylene at Kyline, bibida sa bagong teleserye ng GMA 7

Sina Nora Aunor, Mylene Dizon at Kyline Alcantara ang mga tampok na bituin at bibida sa pinakabagong...

Alessandra, inalala ang magagandang pinagsamahan nila ni Anita Linda

Kagyat na dumilim ang industriya ng pelikulang Pilipino sa pagpanaw ng isang maituturing ng alamat sa kanyang...

Alden, enjoy sa bagong online show; Bagong segment ng 24 Oras, patok

Benta sa mga manunuod—mapa bata o matanda man—ang bagong segment ng 24 Oras na “#ThinkTok”. Base sa...