RK at Jane, palaban sa lampungan

Palaban na rin sa pagpapasexy si Jane Oineza. Sa kanyang latest movie na Us Again ng Regal Entertainment kasama si RK Bagatsing ay wala nang pakiyeme ang dalaga. Ibinigay na raw niya ang lahat sa lampungan nila ng aktor sa pelikula.

Maging si RK ay ganoon din ang sinasabi. Wala siyang pakialam kung malinya man siya sa mga sexy movies na palaging nakabilad ang katawan. In fairness naman eh may ipagmamalaki at ipapakita naman ang aktor. Bukod sa macho, guwapo ay magaling din siyang umarte.

Kahit sabihin pang naging komportable sila habang ginagawa ang pelikula at naging mas close sa isa’t-isa ay hindi raw humantong sa kung anopamang bagay ang lahat. Kahit natsitsismis na si Jane raw ang dahilan ng paghihiwalay nina RK at dati niyang girlfriend ay wala raw namagitan sa kanila na magandang pagtitinginan.

Pero kinantiyawan sila ng press sa presscon ng movie nila kamakailan na kung sakali raw maging sila ay why not lang ang naging sagot nila. Ibig sabihin, may posibilidad dahil pareho silang single.

Siyangapala, marami na ang nag-aabang sa pelikula nina RK at Jane. Sa trailer palang ay na-curious na ang mga tao lalo na ang mga nagpapantasya sa dalawa. Kung sa trailer ay bigay na bigay na sila sa mga daring scene ay lalo na sigurado sa pelikula.

Ang “Us Again ay  directorial debut ni Joy Aquino. Palabas na ito sa February 26 sa mga sinehan nationwide.

More on this topic

Comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Advertisment

Popular stories

Darwin Yu, kinikilig kay Alexa Ilacad

Naka-chat namin si Darvin Yu, na nagbida sa pelikulang 1st Sem na ipinalabas noong 2017. Gumanap siya...

Eastwood City Walk of Fame magaganap na; Catriona nasa maling kategorya?

Mensahe  sa butihing anak ni Kuya Germs (German Moreno) ang ipinadala sa amin ni Federico sa Facebook.

Lorna Tolentino, nag-renew ng kontrata bilang Beautéderm endorser

Opisyal na ni-renew ng Beautéderm Corporation ang iconic actress at grand slam queen na si Lorna Tolentino...