Carlo at Arjo, Beautederm babies pa rin

Puno ng pasasalamat ang Star Magic artists na sina Carlo Aquino at Arjo Atayde kay Beautederm CEO and owner na si Ms. Rhea Anicoche Tan dahil tuluy-tuloy ang pagiging ambassadors nila ng Beautederm.

Pitong taon na si Carlo bilang Beautederm ambassador habang tatlong taon naman si Arjo. Aminado rin sina Carlo at Arjo na maraming naitulong ang Beautederm sa kanila lalo na sa showbiz career nila.

Last February 25 back-to-back ang naging presscon nina Carlo at Arjo para sa official launch ng bagong Beautederm men’s line na Spruce & Dash. Ine-endorse ni Carlo ang Spruce & Dash products na kinabibilangan ng Beau Charcoal Soap; Hugh Shaving Cream, Brawn Anti-perspirant White Spray for both foot and underarms, Charcoal Charmer Detoxifying Peel-off Mask, at Lad Hair Pomade. Si Arjo naman ay ine-endorse ang dalawang paborito niyang Spruce & Dash products na Beau Charcoal Soap at Brawn Anti-perspirant White Spray.

Ayon kay Carlo, “I’m happy and thankful na hanggang ngayon endorser pa rin ako ng Beautederm. Dati, hindi ako nabibigyan ng ganitong solo presscon, pero dito sa Beautederm special ang ibinibigay na pagmamahal at pagpapahalaga sa akin lalo na ni Atchi Rei (Ms. Rhea). Malaki ang naitulong ng Beautederm with how I look kasi ngayon mas nag-aayos na ako. Career wise malaking tulong din kasi si Atchi nga yung kumuha sa akin as endorser tapos nagkaroon ako ng sariling billboard. At saka dito sa Beautederm pamilya talaga kami. Never ipinaramdam sa amin ni Atchi na nandito kami para sa trabaho lang. Nandyan siya lagi para umalalay at tumulong. Nandyan siya lagi para sa aming lahat. Talagang ipinaramdam niya sa akin na kapamilya siya, kapatid. Kaya mahal na mahal ko siya.”

Sabi naman ni Arjo, “I’ll be honest dream ko talaga noon na magkaroon ng billboards and naibigay yun sa akin ng Beautederm. And mas napalapit din ako sa mga fans and supporters dahil tuwing may mall show kami for Beaut├ęderm store openings ay pumupunta sila and nakakasama namin, hindi lang ako kasama pa ang ibang ambassadors. And syempre nandyan si Ms. Rei na kapamilya ang turing sa aming lahat. I love her heart, her sincerity. And I also admire that for a person as successful as her, she’s not afraid for others to be as successful as her. She shares her success to everybody. She’s really a kind and generous person.”

Thankful din si Arjo na hindi lang siya ang blessed na maging Beaut├ęderm ambassador kundi pati ang kanyang mommy na si Sylvia Sanchez na Face of Beautederm, at ang kapatid niyang si Ria Atayde.

“Ms. Rei really loves our family. That’s why we love her so much!”

Happy din sina Carlo at Arjo na mayroon nang men’s line ang BeauteDerm dahil sa panahon ngayon marami nang mga kalalakihan ang talagang iniingatan ang kanilang skin at looks kaya malaking tulong ang Spruce & Dash.

More on this topic

Comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Advertisment

Popular stories

Ritz, Myrtle, Edu bibida sa SAF 44 movie

Susubukin ni Atty. Ferdinand Topacio ang mag-produce ng pelikula sa pamamagitan ng kanyang Borracho Films. Nakabuo na...

Paloma ni Coco Martin kinaaliwan sa 3Pol Trobol

Humahataw ngayon sa takilya ang 3Pol Trobol Huli Ka Balbon, na entry sa 2019 Metro Manila Film...

Si Wilbert, ang Pandemya at ang Challenge

Nababalot pa rin ng takot hanggang ngayon ang buong mundo dulot ng pandemyang dala ng Covid-19. Hanggang ngayon...