Pelikula ni Nora, pasok sa 1st Summer Metro Manila Film Festival; Superstar nagpasalamat

Pasok sa Magic 8 ng 1st Summer Metro Manila Film Festival ang pelikulang “Isa Pang Bahaghari” na pinagbibidahan ng nag-iisang Superstar na si Nora Aunor. Masaya ang direktor na si Joel Lamangan at siyempre ang producer ng pelikula na si Harlene Bautista.

Noong linggo ay nag-pictorial ang buong cast ng pelikula para sa poster at gagawing materyales sa promo at publicity nito. Maganda ang mood ni Nora habang isinasagawa ang pictorial. Kaninang hapon ay ibinalita namin sa kanya sa pamamagitan ng text ang magandang balita at tanging nasabi lang niya ay “Salamat sa Diyos”.

Ang pelikulang “Isa Pang Bahaghari” ang masasabing pagbabalik ng Superstar sa mainstream movies. Puro kasi indie films ang ginawa mula sa pagbabalik niya sa Pilipinas noong 2011.

Bukod kay Ate Guy, kasama rin sa movie sina Philip Salvador, Michael De Mesa, Zanjoe Marudo, Sanya Lopez, Joseph Marco, Albie Casino, Maris Racal at marami pang iba.

Narito pala ang kabuuang listahan ng mga pelikulang pasok sa kauna-unahang Summer Metro Manila Film Festival 2020 na mag-uumpisa sa April 11 at magtatapos sa April 21 sa mga sinehan nationwide.

  1. A HARD DAY (Viva Films) by Law Fajardo (Stars: Dingdong Dantes, John Arcilla, Janno Gibbs, Al Tantay, and Meg Imperial)
  2. TAGPUAN (Alternative Visions) by Mac Alejandre (Stars: Alfred Vargas, Iza Calzado, Shaina Magdayao)
  3. LOVE THE WAY U LIE (Ten17p) by RC Delos Reyes (Stars: Xian Lim and Alex Gonzaga)
  4. ISA PANG BAHAGHARI (Heaven’s Best Entertainment) by Joel Lamangan (Stars: Nora Aunor, Phillip Salvador, Michael De Mesa, Zanjoe Marudo, Joseph Marco, and Sanya Lopez)
  5. THE MISSING (Regal Entertainment) by Easy Ferrer (Joseph Marco, Ritz Azul, and Miles Ocampo)
  6. LOVE OR MONEY (Star Cinema) by Mae Cruz-Alviar (Stars: Coco Martin and Angelica Panganiban)
  7. NGAYON KAYA (T-Rex Entertyainment) by Prime Cruz (Stars: Paulo Avelino and Janine Gutierrez)
  8. COMING HOME (Maverick Films, line produced by ALV Films) by Adolfo Borinaga Alix Jr. (Jinggoy Estrada, Sylvia Sanchez, Martin Del Rosario, Ara Arida, Jake Ejercito, and Edgar Allan Guzman)

More on this topic

Comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Advertisment

Popular stories

Jake at Andi, nagkasamang muli

For the longest time nagkasama muli ang mag-ex na sina Jake Ejercito at Andi Eigenmann para suportahan...

Lance , excited sa unang pelikula sa Viva na Penduko

Ipinahayag ng singer/actor/composer na si Lance Raymundo na excited na siyang magsimula ang pelikula nilang Penduko na...

Regine, tinupad ang pangako sa dating asawa ni Ogie

Sa isang parte pala ng buhay nila ay muntik nang mabasag ang lamat na nalagay sa pagitan...