Patok ang Bawal ang Judgemental ng EB; Maxene maraming natutunan sa lock down

Mula nang magkaroon ng #BawalJudgemental segment ang #EatBulaga! ng Dabarkads, kahit tutok din naman ako sa mga segment ng nakasanayan ko na ring #ItsShowtime, iniiwan ko muna ang mga nagkakantahan. Sa #KapareWho naman ako na-hook doon sa Kapamilya.

Aliw na aliw ang manonood kay Meme Vice. But this side of the APT Family, naaaliw ako kina Jose Manalo, Wally Bayola, lalo na kay Paolo Ballesteros. Ibang klase rin kasi ang mga hirot ng tatlo.

Natural.
Kaya tawa’ng-tawa ako nang caught on camera si Paolo nang ini-interbyu nila ang isang TikToker na humahampas na sa ilang libo ang likes and shares dahil din sa partner nito sa kanilang pagkanta at pagsayaw.

Buong akala ni Paolo eh, kamukha lang ni Gardo Versoza ang kasamang umiindak ni Ivy Vicencio sa kanilang mga Tiktok na kinailangan ding patunayan ni Bossing Vic (Sotto) sa kanyang mismong cellphone.

Nagpakilala si Ivy na siya ang manager ng aktor at partner ni Gardo. Nakalimutan niyang banggitin na may isa na rin silang anak.

Nakakaaliw din ang mga hirit at banat ni Jose sa pag-indayog ng katawan ni Gardo sa kanyang mga sayaw na mukhang mas malambot pa raw kasi sa katawan ni Ivy.

Eh, kasi naman. Noong araw pa eh, isa ng dancer si Gardo o Mennen Torres sa tunay na buhay.

Nakakaaliw nga panoorin ang pagti-TikTok ng mag-partner. Nawawala ang pagka-mahiyain ni Ivy na sige lang sa katatawa sa nagagawa ng kanyang “mister”.

Si Paolo, hindi pa rin makapaniwala, huh! Try niyo i-watch. Maaaliw din kayo!

*

Maxene Magalona Weight Loss And Fitness Journey

Binabantayan ko naman ang mga ibinabahaging posts ni Maxene Magalona-Mananquil in her social media accounts.

Sa panahon ng coVid-19, Lockdown, Quarantine and everything, sila ng kanyang better-half na si Rob ay sa Ubud, in Bali, Indonesia namamalagi.

Kaya nagkaroon ng pagkakataon si Max na ibahagi na rin sa mga sumusubaybay sa kanilang Vlogs ang sinailaliman nilang Yoga classes and retreats sa nasabing bayan para marami rin ang matulungan nila.

Calmness. Serenity. Peace. iro ang mga ibinubunga ng pagsailalim sa pagyo-yoga.

Recently, pagkain naman ang ibinahagi ni Maxene na kanya ring pinag-aralang gawin sa Bali.

“I had sooo much fun!

“Watching Chef Sayuri work her magic and learning how to make the most creative and delicious raw vegan dishes and desserts at @sayuri_healing_food! 🤤

“If you want to see some snippets of our experience, you can check them out in my story highlights! 🥳

“There’s going to be a special 2-Day Vegan Cheese Masterclass on June 17-18 with a 40% discount and the next 4-Day Raw Food Intensive course is going to be on July 6-9 with a 30% dicount!

“Visit www.sayurihealingfood.com for more information 🤍 📸 @christinasang —our newfound Korean-American-Filipina friend 😘”

Para sa ating kalusugan, bakit nga ba hindi naman natin i-try ang Vegan dishes na ini-enjoy na ng mag-asawang Maxene at Rob!

More on this topic

Comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Advertisment

Popular stories

Gabby, handang patawarin ng kapatid; Joem, zero ang lovelife

Panahon na ng pagmamahalan ang Kapaskuhan. Pero dahil...

Pelikulang Culion, kinawawa sa MMFF Awards Night

Narito ang kumpletong listahan  ng mga nagwagi sa katatapos na  Metro Manila Film Festival 2019 na hatid...

Alynna, kinilala ng UNICEF

Hindi na bago at hindi na rin mawawala sa bokabularyo ng seksing mang-aawit na si Alynna Velasquez...