Beautederm owner Rei Tan, inaming fan siya ni Jessa Zaragoza

Aminado ang Beautederm CEO and President na si Rhea Anicoche Tan na naging fan siya noon ng singer-actress at tinaguriang Phenomenal Diva na si Jessa Zaragoza. Kaya naman natutuwa si Ms. Rhea na bahagi na si Jessa ng Beautederm family ngayon bilang pinakabagong ambassador nito.

“Nagsimula ako bilang radio DJ after ng college at isa si Jessa sa pinakasikat na OPM artist noon. Fan ako ni Jessa at ang saya ko to connect with her especially when I learned that she is a loyal Beautéderm user at super happy ako that she is now part of the family,”  ayon kay Ms. Rhea.

Isinasara ng Beautéderm Corporation ang ikalawang quarter ng taon sa pamamagitan ng isang bonggang treat habang opisyal nitong sinasalubong si Jessa bilang pinakabagong bahagi ng stellar line-up of celebrity brand ambassadors nito.

Dalawang taong nang loyal user si Jessa ng mga FDA Notified products ng Beautéderm label na consistent recipient din ng Superbrands award.

Naghahanap ng quality line of products si Jessa noong siya ay nasa late 30s. Ninais ni Jessa ng mga produktong kanyang mapagkakatiwalaan sa pag-maintain ng youthful glow ng kanyang skin lalo na nung malapit na siyang mag-40 kung kailan una niyang nakilala ang Beautéderm sa pamamagitan ng mga passionate testimonies ng kanyang mga kaibigan mula sa industriya.

“Sobrang daming magagandang kuwento ang naririnig ko tungkol sa Beautéderm kaya bumili ako ng skin set nila na talagang sikat na sikat. Gusto kong subukan yung product at nakakita ako agad ng positive results at talaga namang na-in love ako sa Beautéderm. Nirerekomenda ko ang brand sa bawat working mom in her 40s. Busy man tayo sa trabaho at sa pag-alaga sa ating pamilya pero importantre din na alagaan natin ang ating sarili gamit ang mga produktong ating pinagkakatiwalaan,” sabi ni Jessa na kilalang nakikipag-partner lamang sa mga brands na talagang kanyang ginagamit.

Jessa Zaragoza from Philippines | Popnable

Sobrang naniniwala si Jessa sa brand kaya todo naman ang pag-promote niya sa Beautéderm sa kanyang social media platforms hanggang naging kaibigan niya ang President at CEO ng kumpanya na si Ms. Rhea.

Maliban sa skin set ng Beautéderm, ang iba pang paborito ni Jessa ay ang Knee & Elbow Whitening Cream, Purifie Facial Wash, Beauté Tint, Beauté Balm, at ang Air and Fabric Freshener ng Beautéderm Home.

“When I do endorsements, mahalaga na naniniwala ako sa brand at sa mga produkto nito. Beautéderm is a brand that I am proud to recommend, especially to my loved ones, to my fans, and to mothers like myself who are looking for effective, quality beauty products na siyempre hindi mabigat sa bulsa. Maligaya ako at nadiskubre ko ang Beautéderm at  proud akong makipag-partner sa amazing brand na ito sa pag-maintain ng natural glow ng aking skin,” ayon pa kay Jessa.

Kilala sa kanyang classic and radiant beauty, siguradong gagawa ng beautiful harmonies si Jessa kasama ang Beautéderm habang papasok sila sa isang maganda at bagong yugto ngayong 2020.

Para sa karagdagang updates at impormasyon ukol kay Jessa Zaragoza at sa Beautéderm, sundan ang @beautédermcorporation sa Instagram, i-like ang Beautéderm sa Facebook, at mag-subscribe sa Beautéderm TV sa YouTube.

More on this topic

Comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Advertisment

Popular stories

Jeric, maganda ang takbo ng career; Ruru napapabayaan na nga ba ng Siyete?

Naging maganda ang taong 2019 sa hunk actor na si Jeric Gonzales. Naging bida na kasi siya...

Darren, gusto pa ring umarte

Sa launching cum presscon ni Darren Espanto noong Martes, bilang newest endorser ng Beautederm, na ang President/CEO...

John Rendez, tagumpay ang pagbabalik recording

Naging matagumpay ang pagbabalik sa recording ng magaling na hip hop at rap artist na si John Rendez sa  pamamagitan ng kaniyang single na...