Wilbert Tolentino, ilaw ng maraming buhay

Wagas na maituturing ang paghahangad ni Wilbert Tolentino na hindi lang sa mga kapuspalad nating kababayan siya makapag-abot ng tulong na mula sa kanya ring natamong biyaya.

Inuuna nito ngayon na sa pamamagitan na rin ng isang pasasalamat sa mga mamamahayag na nakasalamuha, personal na nakilala at nakasama ay mapasaya niya ang bawa’t pusong naapektuhan ng pagdating ng isang kalabang hindi nakikita-ang pandemya.

Lubos  na ikinatuwa at ipinagpapasalamat ng lahat ng miyembro ng mga mamamahayag ang magandang sinimulan nito. Lalo at halos mapatid na ang pisi ng buhay na nag-uugnay sa mga ito sa reyalidad ng buhay.

Biniyayaan na siya sa buong buhay niya, hindi lang ng magagandang mga bagay kundi isang buhay na siya mismo ang magpapasaya sa ibang mga tao. Hindi naman kaila ang mga dinaanan nitong hamon sa mga pinasok at sinalihan niyang paligsahan. Isama pa ang mga tao’ng naging bikig at tinik sa kanyang landas.

Eksenang sari-sari sa Pilipinas hanggang sa iba pang mga bayan ang natunghayan sa pagbitbit niya ng bansa sa mata ng mga dayuhan. Hindi madali. Pero kinaya at nakaya niya.

Rumampa na sa sari-saring entablado. Na hindi siya nakatuon sa magiging premyo. Kundi sa bibitbitin niya ang karangalan sa bawat lakad na gagawin niya sa rampa.

Tinuligsa siya, oo. Kasama sa buhay ang hindi pagkakaroon ng kasiyahan ng iba. Kapag nakikita nilang may umaangat at nagiging mas mataas pa sa kanila, hindi nila matanggap at mapahintulutan.

Totoo siya sa paga-abot ng kanyang kamay sa bawat palad na dinadapuan nito para kalingain at kalmahin. Marami siyang nasasalamin sa bawat mata’ng nakatingin sa kanya, at sa itinitibok ng bawat puso nila.

Oras man eh magkulang, hindi na niya binibilang ang pagdaan nito. Basta nagagawa niya sa bawat araw ang nakatakda niyang gampanan.

Lumilingon siya sa nakaraan. Hindi niya kinakalimutan ang bawat hakbang na nagdala sa kanya kung saan siya nakarating sa panahong ito. Hinahanap kung may nalampasan o nakaligtaan. Binabalikan kung sakali mang nakalimutan.

Engkuwentro sa sari-sari’ng mga tao ang nagbigay sa kanya ng mas marami pang dahilan para ang mga establisiyementong  binuksan at kinalinga ay magpatuloy. Sa gitna ng pandemyang ito, ayaw niyang may mawalan at maiwanan.

Naririnig niya ang hibik ng bawat nilalang na nasa kalinga ng kanyang mga kumpanya. Hindi madaling tumalima siya sa hibik ng bawat isa. Na may mga pamilya. May asawa. Mga anak. At buhay na kailangang harapin. Papel na naiipon din dahil sa mga bayarin.

Ex-Mr. Gay World Wilbert may pangitain sa lindol | Abante Tonite

Tinutumbasan niya ng panahon at oras ang kakayanin ng kanyang pagtulong. Sa mga tao’ng hindi na mabibilang sa nabigyan ng kanyang pagpapala.

Isang iglap na naging ilaw siya ng maraming buhay. Ng kung ilang taon na niyang tila naging panata. Ang tumulong. Na walang inasahang kapalit.

Namumutawi sa mga labi niya ang sobra-sobra’ng pasasalamat. Sa Maykapal. Dahil ginawa siyang instrumento, lalo sa panahong ito. Na hindi lang sa mundo ng pagsasaya makilala pang lubos. Kundi sa mundong nilulukuban ng lungkot at kawalang pag-asa ngayon.

Oo nga. Marami na ang nag-aabot  ng kanilang mga tulong sa sari-sari’ng paraan nila sa mga nanangailangan. Oo nga. Mapapabilang lang siya sa mga nagsisigawa na nito. Pero oo nga’t kaliwa’t kanan ang kanilang ayuda, nag-iisa si WILBERT  TOLENTINO sa pag-alala sa sektor ng  industriya na naiiwan sa laylayan. Ang mga mamamahayag na ramdam na rin ang pagkalam ng sikmura. Ng gutom. Ng kawalan. Sa pamamagitan ng katuwaang paligsahang ito, marami’ng mga isip ang mananatili’ng nasa katinuan na babawas sa mga agam-agam.

Mabuhay Ka! WILBERT 

TOLENTINO! At patuloy na pagpalain ng Dakilang Lumikha!

More on this topic

Comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Advertisment

Popular stories

Lorna, loyal sa Beautederm; Loyal din sa pagmamahal kay Daboy

Pumirma muli ng kontrata Lorna Tolentino sa Beautederm kasama ang president at CEO na si Rei Tan....

Sampung pelikula ng Pista ng Pelikulang Pilipino 2020 inanunsiyo na

Inanunsyo na ng FDCP ang 10 Premium Films ng "Pista ng Pelikulang Pilipino 2020"; PPP4.

Jinggoy, balik sa pag-arte

AFTER 11 years, balik pelikula si Sen. Jinggoy Estrada via  "Coming Home" mula sa sarili niyang produksyon,...