Rayantha Leigh, pangarap mainterbyu si Kyline Alcantara

LALONG gumaganda ang showbiz career ng talented na bagets na si Rayantha Leigh. Kung dati ay sa pagkanta lang ang kanyang focus, ngayon ay sumasabak na rin siya sa pag-arte at pagiging TV host.

Kaliwa’t kanan ngayon ang projects ni Rayantha. Hindi lang dalawa, kundi tatlo ang shows niya na mapapanood sa IBC-13 at GMA-News TV very soon.

Kuwento niya, “May upcoming po akong show sa GMA-News TV titled Rayantha Leigh, My Life, My Music. About OPM po siya and mayroon din po akong upcoming teleserye sa IBC 13, ito po ang Kaagaw Sa Pangarap.

“Bale, ako po yung kontrabida rito and kasama ko po sa teleseryeng ito sina Ella Apon, John Bermundo, Steven Ocampo, at marami pa pong iba. To be announced po kung kailan ang start niya.”

Dagdag pa ni Rayantha, “Mayroon din pong upcoming noontime show sa IBC 13 titled Yes Yes Yow! Dapat po ay nag-start na siya ngayon, kaso na-stop po dahil sa Covid19.

“Excited na rin po akong mapanood ng mga tao ang upcoming teleserye namin.”

Iyong show niya sa GMA-News TV, nakapag-taping na ba sila?

“Nakapag-taping na po ako sa Rayantha Leigh, My Life, My Music ng tatlong episodes, pero ‘di pa po siya naipapalabas. Dito’y mapag-uusapan ang mga trending OPM songs and mag-iinterview din ako ng mga OPM artists,” masayang saad pa niya.

Sino ang dream niyang ma-interview sa kanyang show?

Tugon niya, “Ang dream ko pong ma-interview sa show ko ay si Kyline Alcantara dahil isa siya sa mga sikat and talented na Kapuso artist.”

Kyline Alcantara | Instagram Live Stream | 11 December 2019

Ipinahayag din ni Rayantha ang labis na pasasalamat sa SMAC Television Production sa pagkakataong ibinibigay sa kanya.

“Lahat po ng show ay produced by SMAC Television Production. Thankful po ako sa SMAC Television Production for trusting me and my talent, of course sa mom ko rin and family, for always supporting me,” pakli pa ng dalagita.

More on this topic

Comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Advertisment

Popular stories

Live event artists, organizers collaborate in launching 1st singing competition for a cause

As social distancing and stay-at-home directives have taken its toll in the events industry, it has become...

Janah Zaplan, ‘di malilimutan ang family bonding sa panahon ng Covid19

Desidido ang Millennial Pop Princess na si Janah Zaplan na abutin ang kanyang pangarap na maging isang...

Regine, tinupad ang pangako sa dating asawa ni Ogie

Sa isang parte pala ng buhay nila ay muntik nang mabasag ang lamat na nalagay sa pagitan...