Allen Dizon at Trina Legaspi, tampok sa Ipaglaban Mo ngayong Linggo

Ang multi-awarded actor na si Allen Dizon at si Trina Legaspi ang tampok sa Ipaglaban Mo ngayong Linggo.

Ang istorya nito ay iikot ukol sa kamag-anak na ipinagkatiwala at sa kasinungalingan pinaniwala! Abangan ang #IMtiyuhin ngayong Linggo, 2:30PM pagkatapos ng ASAP sa ating Kapamilya Channel! #IpaglabanMo #RGEDramaUnit.

First time nagkatrabaho sina Allen at Trina at pinuri ng aktres ang propesyonalismo rito ni Allen.

Sambit ni Trina, “Unang pagkakataon ko pong makatrabaho si Tito Allen. Professional at malaking pasasalamat ko na siya ang naging co-actor ko. Ginabayan niya po ako sa mga mahihirap na eksena at lubos ko po siyang hinangaan sa galing niya sa pag-arte.”

Si Allen ay ipinahayag naman na nag-enjoy siyang katrabaho si Trina dahil sa husay ng dating child actress na kilala rin noon bilang Hopia nang siya ay nasa Goin Bulilit pa.

Esplika ni Allen, “Mabigat at maselan ang mga eksena namin, pero pinag-usapan namin para hindi kami mailang pareho. Enjoy ako ka-work siya kasi totoong emosyon lumalabas sa kanya, malalim ang kanyang pagganap.

“Hindi siya bumibitiw sa kanyang karakter. Kaya nakakadala bawat eksena namin.”

Bukod kina Allen at Trina, tampok din sa espisode na ito ngayong Linggo sina Maila Gumila, Jenny Miller, at iba pa, sa direksiyon ni Chiqui Lacsamana.

Mapapanood ang IMTiyuhin sa Kapamilya Channel TFC – TFC, IPTV, & Online Sky Cable – Channel 8 on SD, Channel 167 on HD, Cable Link – Channel 8, GSAT Direct TV – Channel 2, iWantv – IWANT app or IWANT.PH.

More on this topic

Comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Advertisment

Popular stories

Ella May Saison , balik-concert scene ngayong Pebrero

MAGSASAMA-SAMA sina Ella May Saison, Luke Mejares, Nina, Juris, at Ito Rapadas ng Neocolours sa kaunaunahang pagkakataon...

Rayantha Leigh, pangarap mainterbyu si Kyline Alcantara

LALONG gumaganda ang showbiz career ng talented na bagets na si Rayantha Leigh. Kung dati ay sa...

MYRTLE SARROSA, REMAINS SISTERS’ CELEBRITY AMBASSADOR

2020 may be a hard year, but Myrtle Sarrosa and Sisters Sanitary Napkins and Pantyliners are even...