“Diwa ng Pasko” music video ni Jojo Mendrez, naka-1 million views na

Hindi pa rin makapaniwala ang Revival King na si Jojo Mendrez sa tinatamasang tagumpay ngayon ng kaniyang music video na “Diwa ng Pasko”. Apat na araw lang kasi nang ito ay I release, umabot na agad sa one million ang Facebook views nito.

in fairness naman kasi sa kanta, sobra itong nakaka-touch at nakakaiyak pa. May kurot sa puso at talaga namang makabagbag damdamin ang music video. Napakaganda pa ng mensahe nito tungkol sa pagmamahal, pagpapatawad at pagmamalasakitan.

Masasabing 26 years in the making ang awitin na ito ni Jojo na ang  composer ay si Andrei Dionisio. Taong 1993-94 pa ito nagawa at ipinaayos ng singer nang makita niya ang DAT file nito. Nalungkot lang si Jojo dahil hindi na niya nakita ang composer dahil namayapa na ito.

Ganunpaman, kung nabubuhay lamang si Andrei ay siguradong masaya siya dahil sa tagumpay nang ginawa niyang kanta. Bukod kasi sa success nito sa social media ay napakarami na ring mga tao ang napapakanta sa “Diwa ng Pasko”. Labis nga ang pasasalamat ni Jojo rito.

“Napakasarap ng pakiramdam.. walang hanggang saya ang aking naramdaman kasi 26 years ang aking hinintay bago ito mailabas,” sabi ng Revival King.

“Mabuti buhay kami ni Mama na napakinggan pa namin pareho ang kantang ito.. Ang panginoon ang una sa lahat sa kanya ko inaalay ang success ng kantang DIWA NG PASKO.

“Ito ay tunay na papuri sa Panginoon. Pangalawa ang Mama ko na sya ang unang nakarinig ng kantang ito noong 1993-1994. At nang ginawa ko na muli ay sa kanya ko ulit unang ipinakinig,” dagdag pa niya.

Nagpapasalamat din ang singer sa kaniyang mga tagahanga at mga tagasuporta.

” Sa mga followers ko at sa lahat ng mga tunay  na kaibigan sa media nagpapasalamat ako na hindi ako kailanman iniwan.”

More on this topic

Comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Advertisment

Popular stories

Carlo, naiisip na ring lumagay sa tahimik; Hindi isi-sikreto ang kasal

Ang award wining actor na si Carlo Aquino ang isa sa endorser ng Spruce & Dash ng...

Rayantha Leigh, pangarap mainterbyu si Kyline Alcantara

LALONG gumaganda ang showbiz career ng talented na bagets na si Rayantha Leigh. Kung dati ay sa...

Jake at Andi, nagkasamang muli

For the longest time nagkasama muli ang mag-ex na sina Jake Ejercito at Andi Eigenmann para suportahan...