Erwin Tulfo, nagbalik sa primetime newscast ng PTV!

Nagbabalik sa primetime newscast ang batikang newscaster na si Erwin Tulfo . Ito ay sa pamamagitan ng Ulat Bayan na mapapanood sa PTV 4 mula 6pm hanggang 7pm.

“Para sa Bayan” (For the Nation). Iyan ang misyon na nagtutulak sa broadcast journalist na si Erwin Tulfo lalo na ngayong pinangungunahan niya ang PTV’s primetime newscast.

“More than ever lalo na ngayong may pandemic, kailangan ng Pinoy ng constant and reliable news source. That is why I am here at the government’s premier station to do that exactly.”

Kasama ni Tulfo sa team ang mga batikang broadcaster na sina Aljo Bendijo, Alex Santos at Dianne Querer para sa kanilang pang-araw-araw na programa sa naturang istasyon.

Kasama sa binagong newscast na ‘Ulat Bayan’ ang pagbibigay ng exclusive reports at investigative series, bukod pa sa comprehensive coverage ng national at local reports. Bukod kay Erwin ay nakapagbigay na rin ng special report sa ‘Ulat Bayan’ ang iba pang anchors na sina Querer, Bendijo at Santos. Kasama sa mga report na ‘ýon ang malawakang topics mula sa public accountability, pumapalpak na public officials at mga kontrobersiyal na government projects.

“We are happy our General Manager, Katkat De Castro, is herself a former journalist and producer. She is encouraging us to do what needs to be done to make our show at par with other mainstream programs,” dagdag pa ni Tulfo.

No description available.

Sa ngayon ay tinatawag sina Erwin, Aljo, Alex at Dianne bilang Power 4. Ang Power 4 ay kombinasyon ng ilang dekadang journalistic experiences upang i-level up ang state-run television network.

“For the four of us, we discuss what we need to banter on air to present things in their best light. Pandemic na nga so we try to lighten up and be inspirational also. We see to it that we end with a happy and hopeful note too,” sabi pa ni Tulfo.

Naging maganda naman ang reaksiyon ng viewers at marami ang natutuwa sa binagong PTV lalo na ang news program na Ulat Bayan. Sana nga raw ay magtuluy-tuloy na si Erwin na nakilala noon sa TV Patrol ng ABS-CBN.

“Keep watching us, every day 6PM to 7PM. Learn and be informed and see your taxes used to better your lives by the kind of shows we bring you,” pagtatapos ni Tulfo.

More on this topic

Comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Advertisment

Popular stories

Alden, Sarah, Vice, Dimples wagi sa 4th GEMS Awards

Ngayong  February 13, 5:30 PM gaganapin ang Guild of Educators, Mentors, and Students ( GEMS ) Hiyas...

Nadine, nahaharap sa malaking problema

Pagkatapos ng halos anim na taon ay nilayasan na ni Nadine Lustre ang Viva Artists Agency. Sa...

Jessa at Korina, Beautederm babies na

Bago pa man naging Ambassador ng Beautederm ang Phenomenal Diva na si Jessa Zaragosa ay gumagamit na...