Nora, sasabak sa aksiyon; Aileen Go tumutulong din ngayong pandemya

Kung hindi lang pandemic ay siguradong nagsu-shooting na ng bago niyang pelikula ang Superstar na si Nora Aunor. Dalawa kasing pelikula ang inalok sa aktres at nagustuhan naman niya ang mga ito.

Isa na rito ang  “Henerala Salud” na kuwento ng isang beauty queen na naghimagsik sa mga Amerikano noong 1930’s. Noong makakuwentuhan namin ang dakilang aktres ay sinabi niya na gusto niya itong gawin kaya hindi nahirapan ang nakikipag-usap sa kanya na si Tatay Nanding Josef.

Kahit sinabi pa namin na siguradong may mga action scene sa movie ay hindi muna ito iniisip ng aktres. Sigurado naman kasing aalalayan siya ng produksiyon. Puwede rin namang gawin na minimal lang ang mga maaksiyong eksena.

Nora Aunor is confident ABS-CBN will be up and running again

Isa pang pelikulang in-offer sa kanya  ay mula naman sa isang baguhan pero magaling na drektor. Ayaw pang ikuwento sa amin ni Ate Guy kung anong klaseng pelikula ito pero makipag-meeting na rin siya. Kung loloobin, magiging maganda ang pasok ng 2021 sa kanya dahil bukod sa mga pelikula ay ipagpapatuloy din ang nabinbin niyang teleserye na “Bilangin Ang Bituin sa Langit” na baka ngayong Oktubre ay magbalik-taping na.

Nasa bahay man ang Superstar ay patuloy pa rin siya sa kaniyang mga kawanggawa. Ang huli niyang pagtulong kamakailan ay sa Lopez, Quezon kung saan mga estudyante naman ang nabahaginan ng tulong.

No description available.

*

Dahil sa magandang pakikisama at epektibong endorser, muling pinapirma ng kontrata ng  Megasoft ni Ms. Aileen Go si Myrtle Sarosa biglang brand ambassador ng Sisters. Apat na Taon  na rin siyang kapamilya ng kumpanya kaya naman sobrang happy siya sa muling pagtitiwala sa kanya.

No description available.

Sobrang proud naman si Ms. Aileen kay Myrtle dahil hindi raw siya naging sakit ng ulo at very cooperative siya sa mga project at events ng Megasoft. Kahit raw may pandemya ay maaasahan siya ito tulad ng iba pa niyang endorsers.

Sa katunayan, nagsanib puwersa sila ni Myrtle para mamahagi ng face mask na umabot lang naman sa one hundred thousand piraso. Sa sobrang dami ng mga ito ay marami ang nakinabang. Siyempre pa, hindi pa kasama rito ang mga pinamimigay ni Ms. Aileen mula sa kanyang mga produkto sa mga front liners at mga nangangailangan ng tulong.

Hindi lang masalita ang owner ng Megasoft  pero tahimik din talaga siyang tumutulong na bukod sa face mask, products ay namimigay rin siya ng grocery items. Bagay na dapat gawin at pamarisan. Sabagay, unang kita palang namin noon kay Ms. Aileen ay magaan  na agad ang pakiramdam namin sa kanya. At totoo nga, mabuti siyang tao dahil hindi lamang siya nakakapagbigay ng trabaho kundi nakakatulong pa siya lalo na ngayong panahon ng pandemya.

More on this topic

Comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Advertisment

Popular stories

Carlo, naiisip na ring lumagay sa tahimik; Hindi isi-sikreto ang kasal

Ang award wining actor na si Carlo Aquino ang isa sa endorser ng Spruce & Dash ng...

Dina, bilib kina Barbie at Kate

Maganda at mukhang may future si Sarah Edwards na isa sa mga lead cast ng "Us Again"...

Bagong Pamunuan ng PMPC, naihalal na

Naihalal na ang bagong  pamunuan ng Philippine Movie Press Club (PMPC). Naganap  ang halalan noong Biyernes ng...