Mga programa ng ABS-CBN mapapanood na sa A2Z Channel 11; Kapuso dapat nang kabahan

Sa mga nanabik sa mga show ng ABS-CBN sa free TV ay muli na itong mapapanood sa lalong pinalakas na A2Z Channel 11 ngayong linggo.

Live na magsisimula ang “It’s Showtime” ngayong Oktubre 10 at ang “ASAP Natin ‘To” sa Linggo (Oktubre 11) para maghatid ng masasayang kulitan at musical performances.

Magkakaroon naman ng teleserye marathon ng “FPJ’s Ang Probinsyano,”  “Ang Sa Iyo ay Akin,” at “Walang Hanggang Paalam” ngayong weekend (Oktubre 10 at 11) bago ang pagpapalabas ng bagong episodes gabi-gabi simula Lunes (Oktubre 12).

Sa mga susunod na linggo, masusubaybayan na rin sa A2Z channel 11 ang paghahatid ng serbisyo sa “Paano Kita Mapapasalamatan” at “Iba ‘Yan.”

Malapit na ring mapanood sa channel ang live na kwentuhan sa “Magandang Buhay,” ang hulaan at kantahan sa mystery game show na “I Can See Your Voice,” at ang longest-running drama anthology sa Asya na “MMK.”

Bukod sa entertainment shows, magsisimula na rin magpalabas ng mga pelikula at educational programs bukas (Oktubre 😎. Una nang ipinahayag ng ABS-CBN na ipapalabas na ang ilan sa mga programa nito sa bagong A2Z channel 11 bilang bahagi ng kasunduan nito sa Zoe Broadcasting Network Inc.

Mapapanood ang A2Z channel 11 analog TV sa Metro Manila at mga malalapit na probinsya. Available din ito sa iba’t ibang cable TV at satellite TV providers sa buong bansa.

Patuloy namang napapanood ang ABS-CBN shows sa cable at satellite TV sa Kapamilya Channel, sa online sa iWant TFC at Kapamilya Online Live sa YouTube at Facebook, at sa buong mundo sa pamamagitan ng cable TV and satellite partners.

Dapat nang kabahan ang Kapuso Network sa kaganapang ito dahil bumalik na ang Kapamilya sa free TV at hindi lang sa Internet at cable lang mapapanood.

More on this topic

Comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Advertisment

Popular stories

Gameboys patok sa YouTube

Patok na patok ngayon sa YouTube ang Pinoy Boy Love series na Gameboys produced by The IdeaFirst...

Jasmine, may charity sa mga bata; Mikee nakita ang halaga ng simpleng buhay

Sa unang pagkakataon, sasabak sa virtual charity run ang World Vision ambassador na si Jasmine Curtis-Smith. Sa...

Beautederm ni-renew si Sylvia Sanchez, nag-launch din ng all-natural products

Dalawang milestone ang pinagdiriwang ng Beautéderm Corporation sa pag-renew nito kay Sylvia Sanchez bilang isa sa mga...