Sampung pelikula ng Pista ng Pelikulang Pilipino 2020 inanunsiyo na

Inanunsyo na ng FDCP ang 10 Premium Films ng “Pista ng Pelikulang Pilipino 2020”; PPP4.

Magpapalabas ng hindi bababa sa 145 na mga pelikula 67 na full-length films at 78 na short films. Ang PPP online edition ngayong taon ay may 14 na sections, kasama ang Lav Diaz special screening at libreng short films showcase

Bilang organizer ng PPP, inaanyayahan ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) ang lahat ng stakeholders na magsama-sama at magkaisa para sa industriya ng pelikula.

Ang “Sama All!” na slogan, na tampok sa PPP4 poster, ay imbitasyon ng FDCP para sa PPP4 na gaganapin mula Oktubre 31 hanggang Nobyembre 15.

Ang key elements sa poster ay kumakatawan sa mga pelikulang kasama sa 14 na sections ng online festival: PPP Short Films, Romance, Youth & Family, Classics, PH Oscar Entries, Genre, Bahaghari, Tribute, From the Regions, Documentaries, PPP Retro, Special Screenings, CineMarya, at PPP Premium Selection.

Ang 10 Premium Selection titles

Mga pelikulang hindi pa napapalabas sa mga Pilipinong manonood o nagkaroon lamang ng limited release sa bansa ang kasama sa Premium Selection section.

Tampok sa Premium Selection ang “Ang Lakaran ni Kabunyan: Kabunyan’s Journey to Liwanag” ni National Artist for Film Kidlat Tahimik.

Kasama rin ang dalawang classic ‘80s films: “Batch ‘81” ni Mike de Leon, kung saan executive producer ang yumaong si Marichu Vera-Perez Maceda at bidang aktor naman ang namayapang si Mark Gil, at ang restored version ng “Brutal” ng yumaong si Marilou Diaz-Abaya mula sa Philippine Film Archive ng FDCP.

Sina Amy Austria, Charo Santos-Concio, at Gina Alajar ang mga artista sa “Brutal” kasama ang mga namayapang sina Johnny Delgado at Jay Ilagan.

Ang “The Helper” ni Joanna Bowers ay documentary tungkol sa Filipino at Indonesian domestic workers sa Hong Kong habang ang “Itoshi No Irene (Come On, Irene)” ni Keisuke Yoshida ay live action manga series adaptation na pinagbidahan nina Ken Yasuda and Nats Sitoy. Nagkaroon ito ng international premiere sa 2018 Busan International Film Festival.

Kasama rin ang “Cleaners” ni Glenn Barit na Best Film sa Asian New Wave Competition ng 2019 QCinema.

More on this topic

Comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Advertisment

Popular stories

Lance , excited sa unang pelikula sa Viva na Penduko

Ipinahayag ng singer/actor/composer na si Lance Raymundo na excited na siyang magsimula ang pelikula nilang Penduko na...

Tuloy ang ayuda ni Nora

Tuloy pa rin ang ayuda ng Superstar na si Nora Aunor ngayong panahon ng krisis. Nitong June...

Garth Garcia, gumagawa ng pangalan sa ibang bansa

Nakilala siya bilang isang mahusay na mang-aawit ng bansa pero mas pinili ni Garth Garcia...